'Di mo ba alam? Minsan, ako'y tulala 'Di makapaniwalang ikaw ay akin na Kahit hindi ka magsabi, alam ko Na ako ang iniibig mo 'Wag ka nang mag-alala, wala akong iba Kahit kailan, ika'y nag-iisa Dahil hindi naman pangit ugali mo Sa iyo'y kontento na ako Buti na lang, dumating ka na, sinta Kay tagal ko nang nag-iisa, ba't ngayon ka lang? Kahit na ang oras man sa atin ay hindi sapat Bawal bang mahal kita agad? ♪ Bakit sa tuwing ika'y makikita? 'Di mapigilan, aking pagsinta Bakit sabik na mahagkan kita Kahit nagtatampo ka na? Ah-ah-ah ♪ Buti na lang, dumating ka na, sinta Kay tagal ko nang nag-iisa, ba't ngayon ka lang? Kahit na ang oras man sa atin ay hindi sapat Bawal bang mahal, bawal bang mahal Bawal bang mahal kita agad?