Oh, oh Oh Andiyan ka na naman Ba't 'di ko maiwasan tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy Bakit ba laging hinahayaan? Andiyan ka na naman Ba't 'di ko maiwasan tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy Handang masaktan kung kinakailangan May lakad ka ba mamaya? Puwede ka ba makasama sa paggagala? Kung sakaling 'di ka puwede Sa bagay, mayro'n din akong ginagawa Siguro nga, napapaisip ka Ba't ako nangangamusta? Ilang araw ka nang naroon sa panaginip ko Nag-aalala lang ako, baka sa'n ka mapunta Pero mukhang ayos ka naman Kahit 'di na kita abalahin pa Ilang "Ama Namin" pa ba ang dapat Para patago kang mag-alala sa 'kin? Uh Habang pinapantasya lamang nila Ay maskara mo sa gabi at pitaka mo sa umaga 'Yung "ikaw" sa likod ng kolorete pa din Ang nangangahulugan sa salitang "paraiso" para sa 'kin Bakit kaya kayamanan ko pa din kinikilala Ang iyong pagtawa? Kahit na sa puso mo man ay do-dosena ang kasya Dati pa 'ko pinagdamutan ng kapalaran Kaya 'di na bago sa 'kin mawalan ng pag-asa Ala-una ng umaga na naman Tawagan mo na lang ulit ako kapag hindi na kayo magkasama Andiyan ka na naman Ba't 'di ko maiwasan tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy Bakit ba laging hinahayaan? Andiyan ka na naman Ba't 'di ko maiwasan tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy Handang masaktan kung kinakailangan May lakad ka ba mamaya? Sana madaanan mo 'ko pagkatapos Sabihin mo ngayong ako'y makakaasang Dito ka dadal'hin ng iyong sapatos Ngayong gabi lang naman ay magiging dahilan Handang-handa pa rin naman ako mamaos Makakaluwag ka man ay sa mas nakakalibang Na paraan kita tutulungang makaraos Bakit ka nagparamdam? Siguro, 'di na kayo nilanggam Ba't kaya 'di n'ya alam Ang 'yong halaga, kung ga'no ka kalinamnam? Iniwasan ko mang matakam nang 'di halata Ang hirap nang magpabaya Kapag tawag na ng laman ay nagbadya Makipaglangit-lupa nang walang taya Mata sa mata, bibig sa bibig Mga ingay na tayo lang dalawa'ng nakadinig Nakatawang umidlip sa kama Pero ba't wala ka na pagsapit ng umaga? Andiyan ka na naman Ba't 'di ko maiwasan tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy Bakit ba laging hinahayaan? Andiyan ka na naman Ba't 'di ko maiwasan tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy (nadarang, nadarang, nadarang, nadarang) Handang masaktan kung kinakailangan