Lumiwanag ang mundo nang ika'y nasilayan Ako'y tuluyang napuno ng ligaya ♪ Puso ko'y huminto nang ikaw ay lumapit Parang pelikulang slow motion, 'di alam ang gagawin Ikaw lamang ang gusto kong makapiling Habang-panahon, ikaw ang may hawak sa akin Araw at gabi Oh, kay sarap, kay sarap talaga ang magmahal 'Pag alam mong mahal ka rin n'ya Araw at gabi, ikaw ang ninanais Ng puso kong ngayon lang nagising ♪ Mababalik ko pa kaya ang kahapon Nang tayo'y mga batang walang alintana? ♪ Palawak nang palawak ang pagitan Ano ba'ng nangyari? Biglang nailang Natuyo ang sanhi, sino ba'ng masisisi? Sabik na sabik na ako sa mga 'di mo sinasabi Araw at gabi Oh, kay sakit, masakit talaga'ng magmahal 'Pag alam mong mahal n'ya'y naglaho na Araw at gabi, ikaw ang ninanais Ng puso kong ngayon lang nagising ♪ Dumilim ang mundo nang ika'y lumayo Ako'y tuluyang napuno ng lungkot ♪ Puso ko'y huminto nang ikaw ay bumitiw Parang pelikulang slow motion, 'di alam ang gagawin Araw at gabi