Kishore Kumar Hits

Carlo Bautista - Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong şarkı sözleri

Sanatçı: Carlo Bautista

albüm: Carlo Bautista


Ala-una ng umaga na naman
Hanap pa rin ang 'yong amoy sa 'king unan
Kanina pa nakahiga sa 'king kama
Pilit limutin ang ganda ng 'yong mata
Sa mga bituin na lang kaya ibubulong
Ang mga lungkot na aking nadarama?
Hihintayin na lamang ang panahon
Na paggising ko ay nariyan ka na

Alas-tres na ng umaga na naman
Hinihintay na bumaba na ang buwan
Kanina pa paikot-ikot sa kama
Tulad ng pag-ibig nating dalawa
Sa mga bituin na lang kaya ibubulong
Ang mga lungkot na aking nadarama?
Hihintayin na lamang ang panahon
Na paggising ko ay nariyan ka na

Sana'y landas natin magtagpo

At hahanapin na tayo
Sa mga bituin na lang kaya ibubulong
Ang mga lungkot na aking nadarama?
Hihintayin na lamang ang panahon
Na paggising ko ay nariyan ka na
At babalik ka na sa 'kin, aking sinta

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar