Hindi ko sukat akalain na ako'y 'yong mapansin Hindi alam ang sasabihin, kung ano'ng bibigkasin Hindi makapaniwala, bigla na lang natulala At nang ikaw ay lumapit, dila ay namimilipit 'Di nagtagal, aking napansin, lumalalim na'ng aking pagtingin Isang tanong, isang tingin, sasama ka ba sa akin? Sumama ka sa 'king piling, at hinding-hindi ka iiling Magbibilang ng mga bituin at kakantang magandang awitin Sa bawat letrang sasambitin, ito ang iyong alalahanin Ako'y sa 'yo, ikaw ay akin ♪ Sa pag-aaway na magaganap, tampuhang ikakaharap Magbilang ka ng ilang kurap, ikaw pa rin ang hinahanap Basta't palaging tandaan, tanging sa 'yo nakalaan Sa bawat liko-likong daan, sa 'yo pa rin ang hangganan 'Di nagtagal, aking napansin, lumalalim na'ng aking pagtingin Isang tanong, isang tingin, sasama ka ba sa akin? ♪ Sumama ka sa 'king piling, at hinding-hindi ka iiling Magbibilang ng mga bituin at kakantang magandang awitin Sa bawat letrang sasambitin, ito ang iyong alalahanin Ako'y sa 'yo, ikaw ay akin At sa wakas, nakita ang aking nadarama Hinding-hindi ko sasayangin, iyong pagsama Sumama ka sa 'king piling, at hinding-hindi ka iiling Magbibilang ng mga bituin at kakantang magandang awitin Sa bawat letrang sasambitin, ito ang iyong alalahanin Ako'y sa 'yo, ikaw ay akin Sumama ka sa 'king piling Hinding-hindi ka iiling Sa bawat letrang sasambitin, ito ang iyong alalahanin Ako'y sa 'yo, ikaw ay akin