Kishore Kumar Hits

Eris Justin - Nag-Iisa şarkı sözleri

Sanatçı: Eris Justin

albüm: Nag-Iisa


Yeah
Sa tabi mo'y biyaya
Kapirasong langit dito sa lupa
Mga ngiti na nilikha
Pasasalamat kay Bathala
Mula umaga, magkasama, parang ang bilis ng oras 'pag ikaw aking kasama
'Di magsasawa
Alam mo ba, 'di ko kaya kung ika'y mawawala
'Di maghahanap ng iba, 'di kailangan ng iba
Nag-iisa ka lang, nag-iisa ka lang
'Di ka pagpapalit kahit na ano'ng sabihin nila
Nag-iisa ka lang, nag-iisa ka lang
Ikaw na ang sagot, wala nang ibang kaligayahan

Tumitig sa aking mata, nararamdaman mo ba?
Ang init para sa iyo na aking dala-dala?
Ipapadama ang ligaya, 'di na hahayaang masaktan kang muli
Hindi mag-aatubili, haplos ng mga labi
Alam mo ba, ga'no kasaya kung ika'y magiging asawa
Dito ka lang sa aking tabi, lumalalim na ang gabi
Nag-iisa ka lang, nag-iisa ka lang
'Di ka pagpapalit kahit na ano'ng sabihin nila
Nag-iisa ka lang, nag-iisa ka lang
Ikaw na ang sagot, wala nang ibang kaligayahan
(Nag-iisa ka lang, nag-iisa ka lang)
(Ikaw na ang sagot) Wala nang ibang kaligayahan

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar