Madaling araw, simbang gabi At ang araw ay pagising Mga tao'y naglalakad patungong simbahan Kinakabahan, pinapawisan ako Pakiramdam ay hipokrito nanaman Pero noong nakita kita Nakatayo, pasimula na ang misa Napangiti sa atin ang buwan Bago siya matulog Dahil naramdaman niya Na ang puso kong ligaw Ay nakahanap ng tahanan Sa loob ng iyong mga mata Kahit 'di naniniwala Kukumpletuhin ko na ang Simbang gabi Para matupad na rin ang aking hiling Ilang gabi sa kanya umiyak at Lumalapit siya sakin Kahugis ang buwan Ang hangin ay kanyang binulungan "Wag mo siyang sasaktan" At noong hinahatid na kita Napatanong, "ikaw na ba ang aking tadhana?" Napangiti sa atin and buwan Bago siya matulog Dahil naramdaman niya Na ang puso kong ligaw Ay nakahanap ng tahanan Sa loob ng iyong mga mata Kahit 'di naniniwala Kukumpletuhin ko na ang Simbang gabi Para matupad na rin ang aking hiling Napangiti sa atin ang buwan Bago tayo matulog Dahil ang anak niya ay Natutong magmahal At ang nahanap na tahanan Sa loob ng iyong mga mata'y Hindi mawawala at Habangbuhay na riyan Dahil sa simbang gabi At natupad na rin ang aking hiling Ikaw ang aking hiling