mas pinili na mapipi ang sarili anong nangyari? sabihin mo sa akin. taimtim lang at tahimik wala ni isang imik payapa ngunit may mali tila may umuusli naririnig mo ba sila? ramdam mo ba ang paghaplos nila? ayoko, pasensya na wala ka nang magagawa wag nyo akong salingin. sa tingin mo, baliw nga ba talaga ang may sira sa ulo? o tayong mga may isip na matitino? hugasan nyo muna ang inyong mga kamay bago ko putulin dudukutin ko na ang nagmamatyag nyong mga mata gamit ang kutsilyong nagbabaga naaamoy nyo ba? masangsang hindi ba? hindi kaayaaya ayos ba ayaw mo ba? ngayon tatanungin kita, tatanungin kita sa tingin mo, baliw nga ba talaga ang may sira sa ulo? o tayong mga may isip na matitino? sa tingin mo, baliw nga ba talaga ang may sira sa ulo? o tayong mga may isip na matitino?