Kishore Kumar Hits

Myrtle Sarrosa - Label şarkı sözleri

Sanatçı: Myrtle Sarrosa

albüm: Label


Gusto mo ako, 'yan ang sabi mo
Pero ayaw mo ng label
Parang tayo pero hindi tayo
Kasi ayaw mo ng label
Sabihin mo ano ba talaga?
Ang iyong nadarama
Kasi sabi mo gusto mo ako
Pero ayaw aminin sa iba
'Di ko lang maintindihan ba't naglalaro ng taguan?
Ng feelings para sa isa't isa
Ako'y litong-lito, ako'y nahihilo
Naiinis na sa'yo ohh
Ako'y gulong-gulo, sakit sa ulo
Naiinip na sa'yo
Gusto mo ako, 'yan ang sabi mo
Pero ayaw mo ng label
Parang tayo, pero hindi tayo
Kasi ayaw mo ng label
Hmm, teka, bakit ka ganyan?
Alam mo naman na 'di kailangan tatakan
Kasi ikaw lang ang nasa puso
'Di naman natin kailangan pang makiuso
Kasi ikaw ang una at huli kung sakali
Le-labelan mo pa ikaw na nga yung may-ari
'Wag na kasi 'yan ang maipapayo baka
Problema pa lahat pagka naging tayo (huh?)
Tao lang naman akong nagmamahal
Kung hindi yun totoo hindi tayo magtatagal
Ang kapal kasi ng mukha ko
Alam mo naman ayaw ko yung umaamo
At kahit umayaw ang gusto ko lang ikaw
Kung pwede lang sabihin ako pa yung sisigaw
Na 'pag hilaw pa 'wag na muna pitasin
Ang prutas dapat bigyan ng oras para pasarapin
Ako'y litong lito, ako'y nahihilo, naiinis na sa'yo
Ako'y gulong gulo, sakit sa ulo, naiinip na sa'yo
Gusto mo ako, 'yan ang sabi mo
Pero ayaw mo ng label
Parang tayo pero hindi tayo
Kasi ayaw mo ng label
Hindi naman sa ayaw ko
Pakiramdam ko lang 'di na natin kailangan 'to
Ba't ang labo mo?
Malinaw na ako ang gusto mo
Pero gusto ko i-klaro mo
Ang gulo, subukan mong tignan sa ibang anggulo
Ikaw lang ang pinapangarap ko
Hay nako, lakas na naman ng amats mo
'Wag na lang kaya kung ayaw mo
Ako'y litong lito, ako'y nahihilo naiinis na sa'yo (naiinis na sa'yo)
Ako'y gulong gulo, sakit sa ulo naiinip na sa'yo (oh oh baby)
Oh lalala, oh lalala, oh lala, oh
Now what's the label baby?
Parang tayo pero hindi tayo
Oh lalala oh
No we don't need no label
Kung gusto mo 'ko tulad ng sabi mo
Bakit ayaw mo ng label?
Ano ba talagang meron sa'ting dalawa?
Kasi ayaw mo ng label

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar