Ako'y ulan, ika'y uhaw sa tubig Ika'y daan, 'pag 'di na alam kung sa'n ba uuwi Ako'y buwan, at ikaw ang araw Lagi tayong nariyan, binibigyang liwanag ang dilim At kahit pa sa isang daang bagay 'di magkasundo 'Di maikakailang sumasang-ayon ang puso Minamasdan ang 'yong ngiting makisig Inaasam na ang dahila'y ang aking pagsambit Na ang laman ng aking puso't isip Tanging ikaw lang, magbago man ang ikot ng daigdig At kahit pa sa isang daang bagay 'di magkasundo 'Di maikakailang sumasang-ayon ang puso Ikaw na nga ang hinahanap-hanap ko Sumalungat man ang ating pagkatao Ang puso ko ay siguradong na sa 'yo Pag-ibig na ang nagpasya nito ♪ At kahit pa sa isang daang bagay 'di magkasundo 'Di maikakailang sumasang-ayon ang puso, ooh-ooh-ooh Ikaw na nga ang hinahanap-hanap ko Sumalungat man ang ating pagkatao Ang puso ko ay siguradong na sa 'yo Pag-ibig na ang nagpasya nito Pag-ibig na ang nagpasya nito