Sa tamang panahon at oras, tayo ay pinagtagpo Pinagsamahan natin na, oh, kay tagal at totoo Pinagtapat ko na sa 'yo, nadarama ng puso ko At 'di rin inakala na matatanggap mo rin ako Ngayo'y kasama na kita't kapiling pa Ang lungkot sa puso ay nawawala Ikaw ang nagbigay ng pag-asa ko at dangal 'Wag ka nang magbabago, aking mahal At kahit magunaw ang mundo 'Di ka iiwan at lagi sa piling mo Sa bawat tibok nitong puso ko ay ikaw Ikaw lang, mahal, ang siyang sinisigaw ♪ Oh, kay sarap namang damhin ang tunay na pag-ibig mo (pag-ibig mo) Kapag kasama na kita ay parang dinuduyan ako (dinuduyan ako) Wala na ring katulad pa'ng mga halik mong kay tamis (halik mong kay tamis) Mawala ka lang saglit, hindi ko na matitiis Ngayo'y kasama na kita't kapiling pa Ang lungkot sa puso ay nawawala Ikaw ang nagbigay ng pag-asa ko at dangal 'Wag ka nang magbabago, aking mahal At kahit magunaw ang mundo 'Di ka iiwan at lagi sa piling mo Sa bawat tibok nitong puso ko ay ikaw Ikaw lang, mahal, ang siyang sinisigaw ♪ Alam mo namang hindi kita matitiis (matitiis) Hanap-hanap ka ng puso kong nananabik At kahit tayo'y ipaglayo, hindi magbabago Nandito lang ako Kasama mo akong nandito lang bawal saglit Ikaw lang, mahal, 'di kita 'pagpapalit ('pagpapalit) At kahit magunaw ang mundo 'Di ka iiwan at lagi sa piling mo Sa bawat tibok nitong puso ko ay ikaw Ikaw lang, mahal, ang siyang sinisigaw Ikaw lamang ang tunay kong minamahal