Aalis si itay, madedestino sa lugar Na magulo't maraming away S'ya'y hahakbang papalayo at lilingon-lingon sa 'min Na mabigat ang kalooban At lalapit ang nanay ko, magtatanong kung saan at Kailan s'ya babalik sa amin Lumuluha ang nanay ko at yayapos sa kabiyak Magsasabing mag-ingat ka S'ya'y magpapayo sa amin, pakabait lang daw kami Huwag pabaya sa aming sarili Isang mahigpit na yakap, mga halik sa 'ming pisngi Bago siya lumisan ng bahay Lumipas ang mga araw, nag-iisip, nagpupuyat Naghihintay ang aming nanay Bigla na lang may dumating, isang mensaheng madilim Galing sa kampo ni tatay Ang nakasaad sa sulat, 'wag daw kami mabibigla 'Pagkat pumanaw na ang tatay Nakabaril daw sa kanya'y isang rebeldeng sundalo Kapwa n'ya rin Pilipino Oh, kailan na matatapos mga problema't kaguluhan Dito sa bansang Pilipinas? Sana'y wala nang NPA, MNLF, RAM, CPP Mapagsamantalang tao sa gobyerno Sana alitan kalimutan na, katotohana'y harapin Bigyang daan kapayapaan ♪ Oh, kailan na matatapos mga problema't kaguluhan Dito sa bansang Pilipinas? Sana'y wala nang NPA, MNLF, RAM, CPP Mapagsamantalang tao sa gobyerno Sana alitan kalimutan na, katotohana'y harapin Bigyang daan kapayapaan