Manunugtog ay nangagpasimula At nangagsayawan ang mga mutya Sa mga padyak parang magigiba Ang bawat tapakan ng mga bakya Kung pagmamasdan ay nakatutuwa Ang hinhin nila'y hindi nawawala Tunay na hinahangaan ng madla Ang sayaw nitong ating inang bansa Dahil sa ikaw mutyang paraluman Walang kasing-ganda sa dagat silangan Mahal na hiyas ang puso mo hirang Ang pag-ibig mo'y kay hirap kamtan Kung hindi taos ay mabibigo Sa mga pagsuyong iniaalay Kung hindi taos ay mabibigo Sa mga pagsuyong iniaalay Halina, aking mahal Ligaya ko ay ikaw Kapag 'di ka natatanaw Ang buhay ko ay anong panglaw Halina, aking mahal Ligaya ko ay ikaw Kapag 'di ka natatanaw Ang buhay ko ay anong panglaw Kung may pista sa aming bayan Ang lahat ay nagdiriwang May lechon bawat tahanan May gayak pati simbahan Paglabas ni Santa Mariang mahal Kami ay taos na nagdarasal Prusisyon dito ay nagdaraan Kung kaya't ang iba'y nag-aabang May tumutugtog at may sumasayaw Mayro'ng sa galak ay napapasigaw Ang pista sa bayan namin ay gan'yan Ang saya'y tila walang katapusan Manunugtog ay nangagpasimula At nangagsayawan ang mga mutya Sa mga padyak parang magigiba Ang bawat tapakan ng mga bakya Kung pagmamasdan ay nakatutuwa Ang hinhin nila'y hindi nawawala Tunay na hinahangaan ng madla Ang sayaw nitong ating inang bansa