Kishore Kumar Hits

Ruben Tagalog - Umaga na pala şarkı sözleri

Sanatçı: Ruben Tagalog

albüm: Harana


Umaga na pala
Giliw, 'di ko napapansin
Naglaho na ang tala
At bituing nagniningning
Lumiliwanag na
Ngunit yaring paggiliw
Ay 'di mo dinulutan
Ng kahit munting aliw
Kahit ang buwan sa pagdaing ko'y lumuluha
Ikaw pa kaya, mutya, ang 'di maaawa?
Umaga na pala
Giliw, bakit 'di ka manungaw?
Ang bagting ng kudyapi, ibig nang malagot
Katulad din ng buhay kong pumapanaw
Dahan-dahan nang napawi ang dilim
At ang araw ay ibig nang magningning
'Di mo pa pinapansin ang pagdaing
Umaga na pala, giliw

Dahan-dahan nang napawi ang dilim
At ang araw ay ibig nang magningning
'Di mo pa pinapansin ang pagdaing
Umaga na pala, giliw
Umaga na pala, giliw

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar