Natutulog ka na ba, sinta? Sa dilim nitong hating-gabi Ay dinggin ang harana Nitong puso kong nababaliw Sa taglay mong ganda Tinig ko ay namamaos pa Bagting ng kudyapi'y lagot pa Magdamag ay hinihintay ka Ngayo'y umaga na Dati'y 'di ko nalalaman Kung ano ang pagmamahal Ngunit sa 'yong ganda Itong puso'y nanambitan Sana'y bumangon ka At dumungaw ka man lamang Giliw, manalig kang Sa puso ko'y mahal kang tunay ♪ Dati'y 'di ko nalalaman Kung ano ang pagmamahal Ngunit sa 'yong ganda Itong puso'y nanambitan Sana'y bumangon ka At dumungaw ka man lamang Giliw, manalig kang Sa puso ko'y mahal kang tunay