Sinisikatan ako ng araw sa silangan Dalisay sa linis dakila sa ganda Sa aking mga ilog mga isda'y nagkakanlong Sa aking mga batis maaari kang magtamipsaw Ako ang perlas ng iyong silanganan Eden ng iyong mga alaala Kakanlungin ka ng mga bisig ko Kahit ako'y nalugami at sinakop ng iba Yayakapin ka at ipaghehele kahit ako'y nakalugmok sa dusa Laging naririto tatanggapin yayakapin ka Akong matatakbuhan kapag ika'y napapagod Iyong mauuwian kapag ika'y nawawalay Sa mga paglalakbay sa mga dayuhang pampang Akong maaalala sa mga gabing madilim Layuan mo man ako't matagal na di makita Babalik ka sa aking kandungan Kakanlungin ka ng mga bisig ko Kahit ako'y nalugami at sinakop ng iba Yayakapin ka at ipaghehele Kahit ako'y nakalugmok sa dusa Laging naririto tatanggapin yayakapin ka