Labandera ko, tunay ka kung gumiliw Ang batya't balo-balo ang siyang laging kapiling Kung naglalaba sa pagsimoy ng hangin Sa tabi ng batisan, awit mo'y napapansin Maging ano man ang hirap sa buhay Ay ligaya rin kung dulot mo, hirang Sa agos nitong tubig na malinaw Ang sugat ng puso'y aking huhugasan ♪ Kung may hirap, may ginhawa Sa gawain, diyan ka liligaya ♪ Maging ano man ang hirap sa buhay Ay ligaya rin kung dulot mo, hirang Sa agos nitong tubig na malinaw Ang sugat ng puso'y aking huhugasan ♪ Kung may hirap, may ginhawa Sa gawain, diyan ka liligaya Mayro'ng aliw-iw at himig ang tubig At may gunita sa ating pag-ibig Ang sumpa mo pa'y singlinaw ng batis Na ikaw ay akin lamang hanggang langit