Ang tapis mo, Inday, ay kay ganda at mapang-akit Lunas at aliw sa hirap kong tinitiis Bakit hindi mo na taglay ngayon ang tapis na kundimang marikit? Nalimot mo na ba ang dating ayos mo kung magbihis? Tapis mong iyan, 'pag nilimot, Inday Ang aking puso'y mamamanglaw May damit kang iba, ngunit barong hiram Dapat mong mahalin ang damit na kinagisnan Tapis sa baywang mo, mutyang sinta Tuwina sa puso ko'y gumaganda Sayang ang tapis mong nilimot na Limot na rin ang baro at saya Ang tapis na kundiman ay dapat ingatan Dangal ng lahi at hiyas ng silangan Bagay na bagay sa iyo kung ika'y nagpapasyal Ligaya niyaring puso habang minamasdan ♪ Ang tapis na kundiman ay dapat ingatan Dangal ng lahi at hiyas ng silangan Bagay na bagay sa iyo kung ika'y nagpapasyal Ligaya niyaring puso habang minamasdan Tapis mo ay huwag kalilimutan