Pista sa aming nayon, ang lahat ay may handaan At bawat tahanan dito ay may tugtugan Masdan mo ang binata, sa dalaga ang tanaw 'Pagkat ang tala sa bukid ay taos kung magmahal Ibon sa puno ng kahoy ay umawit sa aliw At nagkundaya ng dahon sa halik ng hangin Ang maghapon, nang maparam, at lumakad ang dilim Naglamay pa sa harana ang binata sa bituin ♪ Sa himig ng gitara, ang dalaga'y napabangon Dinungaw ang pusong sa pag-ibig, humahabol At halos inumaga sa wagas niyang layon Ganyan nga kung sumapit sa amin ang pista ng nayon ♪ At halos inumaga sa wagas niyang layon Ganyan nga kung sumapit sa amin ang pista ng nayon Ganyan dito sa nayon