Buhat nang iwan mo ako, lumuha nang dahil sa iyo Hinahanap-hanap man din ang dati mong paggiliw Puso ko ay naninimdim, araw-gabi, dumaraing Hinihintay ko, giliw, ang iyong pagdating Binabakas ko pa ang lumipas nating araw Nilalandas ko pa ang ating pinagdaanan Ang puso ko, sinta'y tigib ng kalungkutan Bakit wala ka pa? Giliw, kita'y hinihintay Nasaan? Nasaan? Giliw kong mahal sa buhay Asahan kailan pa man ay maghihintay Ang puso ko'y naninimdim, araw-gabi, dumaraing At kung hindi ka matanaw, ako'y mamamatay