Oh, masamyong bulaklak, nalipos ng dilag Tanggapin sa lahat ng oras ang halik ng aking paglinga Ay, ano't sa mata'y may luha, mutya kong kaawa-awa? Mga luhang walang tila na tanda ng 'yong dalita ♪ Bakit, bakit nalulumbay? Sino, sino ang dahilan? Giliw, sana'y pagtapatan Sabihin mo't lulunasan Ay, luha, luha, bakit ganyan? Buhay laging nagdaramdam Magtapat, giliw, bahagya man lamang Nang malunasan ang iyong kalungkutan ♪ Magtapat, giliw, bahagya man lamang Nang malunasan ang iyong kalungkutan