Nawaglit mang sakali, ngunit laging nagbabalik Ang kahapong naglaho, nalipos ng tamis Noon ding natutuhan at namahay sa isip Ang isang pagsuyong wagas at unang pag-ibig Nahan kaya ikaw? Nais kong makamtan Ang iyong pusong tapat kung magmahal Huwag mo ring iwawaglit ang araw na nagdaan Nang tayo ay musmos pa't kapuwa walang malay ♪ Nahan kaya ikaw? Nais kong makamtan Ang iyong pusong tapat kung magmahal Huwag mo ring iwawaglit ang araw na nagdaan Nang tayo ay musmos pa't kapuwa walang malay