Ang matapat kong pag-ibig, 'Ginanti mo ay pasakit Ikaw na aking iniibig, Nagdurusa puso ng hinagpis Kung ikaw ma'y salawahan, Di 'ganong ako'y magdaramdam Ang masakit sa aking kalooban, Umalis ka ng walang paalam At pati ang mga ala-ala, Sa buhay ko mahalaga Sa iyong paglayo ay iyo pang dinala Walang iniwan ka kundi dusa Kung ito mang kapalaran, Magtitiis ako aking mahal Kung tayo man sa lupa'y nagkawalay, Doon sa langit ay maghihintay At pati ang mga ala-ala, Sa buhay ko mahalaga Sa iyong paglayo ay iyo pang dinala Walang iniwan ka kundi dusa Kung ito mang kapalaran, Magtitiis ako aking mahal Kung tayo man sa lupa'y nagkawalay, Doon sa langit ay maghihintay Kung tayo man sa lupa'y nagkawalay, Doon sa langit ay maghihintay