Ang bawat isa ay may patutunguhan May kani-kaniyang hakbang at kani-kaniyang daan Sa bawat landas na tatahakin sa buhay Ang awitin na ito sana ay magsilbing gabay ♪ Ako'y mayroong mga natutunan Mga gintong aral na dapat lang tandaan Hanggang kaya ko, kayo'y aawitan Mga gintong aral, aking babahaginan Katulad ng dapat lang makinig sa ating mga magulang Sila'y pabalik na subalit tayo ay papunta pa lang At kung iyong gustong ika'y patawarin Ikaw ay matuto na magpatawad din Ang bawat isa ay may patutunguhan May kani-kaniyang hakbang at kani-kaniyang daan Sa bawat landas na tatahakin sa buhay Ang awitin na ito sana ay magsilbing gabay Marami akong mga natutunan Mga gintong aral na hindi malimutan Hanggang kaya ko, kayo'y aawitan Mga gintong aral, aking babahaginan Katulad ng dapat lang lingunin ang ating pinanggalingan Sa kapuwa ay huwag mong gagawin ang ayaw mong gawin sa iyo Baka sa awitin mas maintindihan Ako'y tulungan niyo't ating pagsabayang awitin Ang bawat isa ay may patutunguhan May kani-kaniyang hakbang at kani-kaniyang daan Sa bawat landas na tatahakin sa buhay Ang awitin na ito sana ay magsilbing gabay Ang bawat isa ay may patutunguhan May kani-kaniyang hakbang at kani-kaniyang daan Sa bawat landas na tatahakin sa buhay Ang awitin na ito sana ay magsilbing gabay