Iisipin ng iba na ako'y abang-aba Dahil sa kasuotan kong ito Ang pantalon ko'y may butas, ang laylayan ay tastas May tagpi ang kupas na polo ko At kung ito'y sanhi upang kasuklaman Ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan 'Pagkat ako'y tao na may buto't laman Tulad nila sa daigdig ay may karapatan Sasabihin ng iba na ako'y isang mangmang Dahil ang naabot ko'y mababa lang Iisa ang diploma, marka'y pasang-awa pa Nakamit sa isang mababang paaralan At kung ito'y sanhi upang kasuklaman Ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan 'Pagkat ako'y tao na may buto't laman Tulad nila sa daigdig ay may karapatan ♪ May dugo at may laman, may puso at isipan Ako'y tao na mayro'ng pakiramdam Kahit na inaaba at ituring pang mangmang Ako'y tao na walang pakialam At kung ito'y sanhi upang kasuklaman Ako'y huwag naman sanang ipagtabuyan 'Pagkat ako'y taong husto ang isipan Tulad nila sa daigdig ay may karapatan