Ang awit na ito'y isang bato-bato sa langit Ang sino mang tamaan ay huwag sanang magagalit Bago dumaing at maghanap ng sisisihin Dapat munang ikaw ay gumising ♪ Gising ka na ba no'ng bago naging isang magulang? Ang dami ng anak mo ba'y iyong pinagplanuhan? Naibilang mo ba sila sa iyong kayang buhayin At kaya ng bulsang pag-aralin? Gising ka na ba no'ng halos wala kayong makain At 'di mo mapigilang sa asawa ay sumiping? Kung apelyido lang ang hangad mong paramihin Dapat lang na ikaw ay gisingin Gumising at magtrabaho na Gumising at magtiyaga ka na Gumising at magtipid ka na Gumising at mag-ipon ka na Katabi ay dapat isama mo Katabi ay dapat hatakin mo Katabi ay dapat turuan mo Tapikin ang isip, gisingin mo Gising ka na ba no'ng kamuntik nang masagasaan Ang iyong mga anak na laging nasasa lansangan? Kung hindi nababantayan at walang susupil Sino sa iyong tingin ang inutil? Gising ka na ba no'ng mga nakaraang halalan At naniwala kang mahahango sa kahirapan? Kung pangako lamang ang iyong inaasahan Gising na't nasa 'yo ang katuparan Gumising at magtrabaho na Gumising at magtiyaga ka na Gumising at magtipid ka na Gumising at mag-ipon ka na Katabi ay dapat isama mo Katabi ay dapat hatakin mo Katabi ay dapat turuan mo Tapikin ang isip, gisingin mo Awit na ito'y isang bato-bato sa langit Ang sino mang tamaan ay huwag sanang magagalit Bago dumaing at maghanap ng sisisihin Dapat munang kayo ay gumising