Kishore Kumar Hits

Florante - Grabe şarkı sözleri

Sanatçı: Florante

albüm: Grabe


Grabe itong nangyari
Si pare ay nabuking ni mare
Nakita na may kasama na ibang babae
Grabe, ang dalawa'y nasundan
Nahabol hanggang do'n sa sinehan
Sa akto ay huling-huli na naghahalikan
Suntok dito, bigwas doon
Sipa dito, tadyak doon
Itong si mare
Daig pa ang maton
Kalmot dito, sampal doon
Untog dito, kutos doon
Si pare'y grabe
Nagkabukol-bukol
Grabe, tumindi pa ang away
Patuloy hanggang doon sa bahay
Si mare, sa grabeng galit ay ayaw pasaway
Grabe, walang kalaban-laban
Si pare ay grabeng napuruhan
Si mare, parang kidlat na 'di niya mailagan
Suntok dito, bigwas doon
Sipa dito, tadyak doon
Itong si mare
Daig pa ang maton
Kalmot dito, sampal doon
Untog dito, kutos doon
Si pare'y grabe
Nagkabukol-bukol
Grabe, halos ay magdamagan
Si pare, hindi na tinantanan ni mare
Maya't maya, siya'y inuupakan
Grabe itong kanyang sinapit
Si pare ngayo'y namimilipit
Si mare ay grabe ang sukdulan kung magalit
Suntok dito, bigwas doon
Sipa dito, tadyak doon
Itong si mare
Daig pa ang maton
Kalmot dito, sampal doon
Untog dito, kutos doon
Si pare'y grabe
Nagkabukol-bukol
Si pare'y grabe sa ospital ngayon
Grabe, grabe, grabe, grabe
Grabe, grabe, grabe, grabe
Grabe

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar