Kishore Kumar Hits

Florante - Buhay Sa Amerika (Live) şarkı sözleri

Sanatçı: Florante

albüm: Las Vegas Live


Oh, 'wag masyadong tatangos ang ilong niyo ha
Ipinagmamalaki ko ang mga pinay dahil sa 'di naman kailangan na ang mga Pilipina ay masasabi ng
Isa sa pinakamaganda sa buong Pilipinas ano
Meron kasing characteristics ang mga Pinay
'Pagka sinabi ng Pinay, hindi mo maitatago
'Pagka sinabi mong Pinay, asahan mo ang kutis ay kutis makopa
Ang labi ay lasang makopa
At ang ilong ay korteng linga
Actually, sa totoo lamang sa buong mundo
Dalawa lang ang itsura ng babae
Isang mukhang birhen at tsaka isang birahin
Hay naku
Dito sa America, no'ng unang dating ko dito napansin ko
'Yung mga Pilipinong kapwa ko kaanak ay mabababa
Talagang napakasisipag
Eh kasi naman dito, araw-araw bayaran diba
Kaya ang mga pilipino, tuwang-tuwa 'yun
Lalo na pagkagabi
Pagkagabi yata ay mas mataas ang sweldo ano
Ano tawag do'n pagkagabi?
Time differential
Time differential, ayon mas malaki kita sa gabi
Ayon nga ang mga pilipino ay masisipag
At nakita ko yung
'Yung buhay na pang araw-araw ng mga Pilipino
Napansin ko karamihan ay iniwan ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas
Iniwan ang kanilang konting yaman do'n at nagbakasakali dito
Ano nga
Naisulat ko itong kanta, kauna-unahang kantang isinulat ko sa America no'ng dumating ako dito
Ang title nito ay buhay sa Amerika
Maaring ang iba sa inyo ay mag adapt sa awiting ito
Pakinggan niyo to
Kung Lunes hanggang Biyernes sa trabaho abala
Kung Sabado habang nagpapahingay naglalaba
At kung Linggo kadalasan ay nagtitinda pa
Ng kung ano-ano basta alam na kikita
Sa dami ng mga binabayarang hulugan
Hanggang sa pagtulog nagbibilang ang isipan
Bagay na totoo at hindi kataka-taka
Marami ang ganyan ang buhay sa Amerika
O ang buhay sa Amerika
Hindi laging langit at hindi laging masaya
Lalo na kung malayo sa iyong minamahal
Oras araw buwan taon ay parang mabagal
O ang buhay sa Amerika
Hindi laging langit at hindi laging sagana
Kaya doon sa nangangarap na dito tumira
Isa dalawa tatlong beses na mag-isip muna
Dito'y pauutangin ka hanggang sa mabaon
Susubsob ka sa hanapbuhay para umahon
Inaasahang suweldo kahit gaano kataas
Lumiliit matapos na ang buwis ay makaltas
Dito'y marami rin nagtatagot tumatakbo
Dahil sa ang papel nila'y hindi pa kumpleto
Mayrong napipilitang ng magpakasal
Kahit na magbayad basta lamang maging legal
O ang buhay sa Amerika
Minsan ay malungkot minsan ay katawa-tawa
At kung ako lamang ang siya ninyong tatanungin
Kung minsan ay mabuti pa ang naroon sa atin
O ang buhay sa Amerika
Hindi laging langit at hindi laging maganda
Ang kainaman lang ay kung ating pagsawaan
Mayrong bansa tayong tiyak na mau-uwian
Bayan kong Pilipinas tayo'y kanyang tatanggapin kahit anong oras
Pilipinas kong mahal kita'y hindi maipagpapalit kahit kailan

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar