Panginoon, patnubayan mo Nawa ang bayan ko nang aming matanto Katotohanan na walang hanggan Nawa'y iyong ihayag sa bayan kong naduduwag Sana'y dinggin ang aming dalangin Muling gisingin ang bayan kong nahihimbing Pag-isahin ang aming diwa't damdamin Pagkat ikaw, poon, ang kapayapaan Ikaw, poon, ang katarungan Ang buhay at daan, ang katotohanan ♪ Panginoon, patnubayan mo Nawa ang bayan ko, ngayon ay magbago Katotohanan nawa'y panindigan Nang pag-asa'y sumilay sa bayan kong minamahal Sana'y dinggin ang aming dalangin Muling gisingin ang bayan kong nahihimbing Pag-isahin ang aming diwa't damdamin Pagkat ikaw, poon, ang kapayapaan Ikaw, poon, ang katarungan Ang buhay at daan, ang katotohanan Pagkat ikaw, poon, ang kapayapaan Ikaw, poon, ang katarungan Ang buhay at daan, ang katotohanan Panginoon, patnubayan mo