Puso ko'y binihag mo Sa tamis ng pagsuyo Tanggapin yaring alay Ako'y iyo habang buhay Anhin pa ang kayamanan Luho at karangalan Kung ika'y mapasa'kin Lahat na nga ay kakamtin Sa 'yo lamang ang puso ko Sa 'yo lamang ang buhay ko Kalinisan, pagdaralita Pagtalima, aking sumpa Tangan kong kalooban Sa iyo'y ilalaan Dahil atas ng pagsuyo Tumalima lamang sa 'yo Sa 'yo lamang ang puso ko Sa 'yo lamang ang buhay ko Kalinisan, pagdaralita Pagtalima, aking sumpa Tanggapin yaring alay Ako'y iyo habang buhay Sa 'yo lamang ang puso ko Sa 'yo lamang ang buhay ko Kalinisan, pagdaralita Pagtalima, aking sumpa Pagtalima, aking sumpa