Sikat ng umaga Buhos ng ulan Simoy ng dapithapon Sinag ng buwan Batis na malinaw Dagat na bughaw Gayon ang Panginoon kong Hesus ng aking buhay Saan man ako bumaling Ika'y naroon Tumalikod man sa 'yo Dakilang pag-ibig mo Sa akin tatawag at magpapaalalang Ako'y iyong iniibig At siyang itatapat sa puso Tinig ng kaibigan Oyayi ng ina Pangarap ng ulila Bisig ng dukha Ilaw ng may takot Ginhawa ng aba Gayon ang Panginoon kong Hesus ng aking buhay Saan man ako bumaling Ika'y naroon Tumalikod man sa 'yo Dakilang pag-ibig mo Sa akin tatawag at magpapaalalang Ako'y iyong ginigiliw At siyang itatapat sa puso Saan man ako bumaling Ika'y naroon Tumalikod man sa 'yo Dakilang pag-ibig mo Sa akin tatawag at magpapaalalang Ako'y iyong ginigiliw At siyang itatapat sa puso At siyang itatapat sa puso