Tatlong oras na naman sa daan Pati paboritong kandidato ni manong driver Ay napag-usapan niyo ng dalawa Napagtalunan niyo pa nga Ngunit sa isang bagay nagkatugma Kung iisipin mo ngayon Imposibleng malutas Pero malay mo naman, baka bukas ♪ Paalis na daw si Doc pa Canada Nangangailangan daw ng Nurses At doon magbabaka-sakali mas may salapi Dito ay 'di madali hangga't hindi naitatama ang mali Kung iisipin mo ngayon imposibleng malutas Pero malay mo naman, baka bukas Makalawa, bukas, makawala Sa gapos ng sistemang tila ba tanikala Sana bukas, makalawa, bukas, makawala Sa tunay na pagkakabilanggo Balang araw magwawakas Imposible sa ngayon, baka bukas ♪ Ang dating sampu naging lima Reseta'y 'di na nasunod dahil Pinangmatrikula ng anak na 'di makapag-isip Sa classroom niyang sobrang sikip Naghihiraman ng librong punit-punit Kung iisipin mo ngayon imposibleng malutas Pero malay mo naman, baka bukas Makalawa, bukas, makawala Sa gapos ng sistemang tila ba tanikala Sana bukas, makalawa, bukas, makawala Sa tunay na pagkakabilanggo Balang araw magwawakas Simulan mo na ngayon, baka bukas ♪ Limang oras ka nang nasa daan Hanggang ngayon, hindi pa rin umuusad Ang iyong sinasakyan, Ika'y pagod na Ngunit pa sasaan ba? Hindi naman ito walang hanggan Kung sisimulan mo na ngayon Baka sakaling malutas Baka malay mo naman Malay mo magbago ang bukas