Tibok ng aking puso ay lumalala Sa tuwing naiiisip ang mga bagay na Gustong magawa habang mga paay 'Di pa nakalapat sa parihaba Pa'no nga ba makakapiglas Sa takot na dinaranas? Palaging sinasabihan Ang iilang kaibigan Laban lang nang laban Buhay ay talagang ganyan Madalas na mangaral sa iba Bakit sa sarili ay hindi mo magawa? Bakit sa sarili ay hindi mapairal? Madalas na mangaral sa iba Eh pa'no ka, oh pa'no ka Tibok ng aking puso ay lumalala Sa tuwing merong chansa na dumaraan 'Pag sinusubukan ko nang gumalaw Para bang lalo lang nabibigatan Pa'no nga ba makakaligtas Kumunoy bang dinaranas? Palaging pinakikinggan Ang iilang kaibigan 'Di pinipiling ipaalam Ang aking nararamdaman Madalas na mangaral sa iba Bakit sa sarili ay hindi mo magawa? Bakit sa sarili ay hindi mapairal? Madalas na mangaral sa iba Eh pa'no ka, oh pa'no ka Oh, oh-oh-oh, oh, oh Oh, oh, oh, oh, yea Pa'no nga ba makakapiglas Sa takot na dinaranas?