Ano na, Joshua? 'La ka nang usad Ayaw mo na ba? Nananatiling nakagapos Sa kanilang mga imahinasyong Pagkatao mo'ng pinapantasiya Na hindi naman akma sa minimithi mong Mga pangarap na nilangaw na at napabayaan Oh, 'wag mo nang hayaang iba'ng may gumawa Ng iyong hinaharap dahil buhay mo'y ikaw ang may akda Pero pa'no ko gagawin? Mga mata na nakatingin Iba'ng kanilang palalabasin kaysa sa panoorin Mamasamain ang mga gawain, dapat na balewalain Dapat wala ka nang pakialam, pagtuunan mo na lang ng pansin Kung ano man ang 'yong hangarin, 'yaan mo na lang sila na magalit 'Lang inapakan, siya ang papalarin, kapayapaan, do'n ka mamalagi Mawawawala rin ang kabang nasa damdamin, mga pasanin Mga pasakit na 'yong dadalhin kaya sa sarili'y 'wag tanggalin ang pagmamalasakit, uh Tama naman ang binanggit mo sa 'kin na mantra Pilit kong isasabuhay, 'yong mga lektura May mga parte lamang ako na 'di nakuha Ang ingay kasi sa labas, pinto ko naman ay nakasara Teka lang muna Ako'y napaisip kung nakandado ba Bakit mga boses nila'y lalong lumala? Beat sa 'king tenga, sila ba ay nakapasok na? Ako lamang ang may susi dito sa tahanan Sino ang magtatangkang ako'y manakawan? Ngayong ala-una y medya ng umaga Dali-dali akong lumabas ng kuwarto Nang makita kong wala namang tao Ako lang mag-isa Mga tunog ay malinaw na Tumigil ka, sino ka ba Para sabihan ako na mahina? 'Di ka masyadong marinig kanina Sa'n galing balita? Mag-usap pa nga tayo dito, halika 'Wag kang mahiya, 'wag mo 'ko talikuran Boses mo'y humina, 'wag mo 'ko iwasan Kailangan kita nang maliwanagan Baka kilala mo 'ko nang lubusan Parang pamilyar 'yung aking napakinggan 'Di ba, dati pa, ako'y 'yong pinaringgan Ng mga salitang aking pinanghihinaan? "Diyan ka lang, diyan ka lang" Pa'no ko ba 'to malalampasan? Kung sa tuwing kausap ko siya ay 'yong sasabatan Ang daming katanungan na kailangan mong sagutan Sabi niya, "Saka na lang 'pag 'yung isa'y nandiyan"