Kishore Kumar Hits

Press Hit Play - Wala Na Ba? şarkı sözleri

Sanatçı: Press Hit Play

albüm: Wala Na Ba?


Nakatulala sa kawalan
Tumatakbo sa isip ang mga alaala na kasama ka
Mga luha ko'y pumapatak
Habang nai-isip ko lahat
Lahat ng sandaling ating naiwan
Nagtatanong sa tala at sa buwan
May pag-asa pa kayang ika'y muling mahahagkan?
Wala ka nga ba? Wala na ba ang nadarama?
Tinangay ka ng hangin palayo sa 'kin
'Di naman ito panalangin ko
Paano na, paano na ang puso kong umiiyak?
Hinihiling, ikaw ay magbalik

Mga araw na kasama kang
Harapin ang bawat pagsubok
'Di na ba mangyayari? ('Di na ba mangyayari?)
Patawarin mo ako sa pagkukulang ko
'Wag mong hayaan na
Mapalayo ang damdamin sa 'kin
Nagtatanong sa tala at sa buwan
May pag-asa pa kayang ika'y muling mahahagkan?
Wala ka nga ba? Wala na ba ang nadarama?
Tinangay ka ng hangin palayo sa 'kin
'Di naman ito panalangin ko
Paano na, paano na ang puso kong umiiyak?
Hinihiling, ikaw ay magbalik
Oh, bakit ba kailangan magbago ng nadarama?
(Magbago ng nadarama)
Mga pangako na habang-buhay kasama ka'y naglaho na
(Kasama ka'y naglaho na)
Akala ko ay para tayo sa isat-isa
('Di mapigil mga luha)
Tumigil ang mundo magmula no'ng lumisan ka
Ooh-oh, yeah
Wala ka nga ba?
Wala na ba ang nadarama? (Wala na bang nadarama?)
Tinangay ka ng hangin palayo sa 'kin
'Di naman ito ang panalangin ko
Paano na? (Paano na nga ba sinta? Oh)
Paano na ang puso kong umiiyak?
Hinihiling, ikaw ay magbalik, yeah
Ikaw ay magbalik
Sa'n kita hahanapin, giliw?
Ikaw ay magbalik, ooh-oh
Ikaw ay magbalik
Sana'y magbalik

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar