Umiibig ako sa isang nilalang Na wala ng kalayaan Sa batas ng tao at sa batas ng Diyos 'Di ko siya maaring angkinin Kapwa, taos sa puso ang aming pagsuyo 'Di namin sinadyang, kami magkatagpo Sumibol sa dibdib, bawal na pag-ibig Na maituturing kong tanging ligaya ko Umiibig ako sa isang taong wala ng kalayaan Bakit nangyari pang, kami'y pinagtapo ng ating Maykapal? Umiibig ako, unang pag-ibig ko, bakit siya pa, o Diyos ko Sadya bang ganito ang umibig ng tapat, luha ang dulot nito Kahapon, kagabi, kami ay nagkita Upang wakasan ang lahat Kapwa lumuluha, kay hapdi ng sugat Ngunit wala kaming magagawa Pa'no kong lilimutin, suyuang kay lambing Na sa kanya ko lang natagpuan Hahanap-hanapin ko, halik niyang kay tamis At mga yakap na anong higpit Umiibig ako sa isang taong wala ng kalayaan Bakit nangyari pang, kami'y pinagtapo ng ating Maykapal? Umiibig ako, unang pag-ibig ko, bakit siya pa, o Diyos ko Sadya bang ganito ang umibig ng tapat, luha ang dulot nito Umiibig ako sa isang taong wala ng kalayaan Bakit nangyari pang, kami'y pinagtapo ng ating Maykapal?