Nakikinig ka ba o nagbibingi-bingihan? 'Di naman iniiwasan lahat ng katagang sinasabi ko Pansin ko, tayo'y 'di tulad ng dati Matamis ang mga ngiti, magkalapit ang mga labi Napagod, nabalot ng takot Umabot sa puntong ang puso'y lumabo't naligaw Nais ko'y lumigaya, nais mo ika'y lumaya Subukan pang kumapit, 'wag ka munang bibitaw Handa 'kong magtiis para sa 'yo, ngunit ikaw Ni lumingon ay 'di mo kaya, makita mo na sana Na handa 'kong lumihis ng landas na dapat tahakin Para lang ibigin ka'y gagawin lahat Sapagkat ikaw lamang Kaya't magtitiis na lang Siguro, sa tagal nating nagsama ay nagsawa ka na yata Hindi na maranasan ang ligaya sa piling ko Ako ba ay nagkulang o sadyang 'di mo na kayang umibig? Dahil tayo'y parang mga aso at pusa, mga pusong nagdusa Na kung mag-away, walang katapusan Nais ko ito'y ayusin, nais mo ito'y tapusin Ano'ng nangyari sa 'tin? 'Kala ko walang-hanggan Handa 'kong magtiis para sa 'yo, ngunit ikaw Ni lumingon ay 'di mo kaya, makita mo na sana Na handa 'kong lumihis ng landas na dapat tahakin Para lang ibigin ka'y gagawin lahat Sapagkat ikaw lamang Kaya't magtitiis na lang Sapagkat ikaw lamang Kaya't magtitiis na lang Ngunit kung 'di tayong dalawa ang 'tinadhana Ay handa nang magparaya, 'di na pipigilan pa Handa 'kong umalis para sa 'yo Kung 'yun ang nais na mangyari ay labis akong masasaktan Pero titiisin ko na lang Titiisin ko na lang, oh Titiisin ko na lang Titiisin ko na lang