Kishore Kumar Hits

Andrej Agas - Pa Rin şarkı sözleri

Sanatçı: Andrej Agas

albüm: Pa Rin


Tayong dalawa pa rin
Kahit ano'ng dumating
Sa umaga, bawat gising
Ikaw ang aking kapiling

Tayong dalawa pa rin
Handa nating haharapin
Sa dapithapon natin
Hawak-kamay pa rin
Aalagaan kita
Mamahalin ang isa't isa
At sa ating takipsilim
Puso'y sa 'yo pa rin

Tayong dalawa pa rin
Dumalaw man suliranin
Ngiti ay 'di aalisin
Sumapit man ang dilim
Nariyan ang mga bituin
Gagabay sa pag-ibig natin
Ikaw ang aking tanging hiling
Puso'y sa 'yo pa rin

Hatinggabi
Atin ang gabi
Sa 'king tabi, ikaw at ako
Mananatili palagi
Tayong dalawa pa rin
Sabay pagtanda natin
Kahit makalimutin
Puso'y sa 'yo pa rin
Sa langit, ating dadalhin

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar