Sa'n ka ngayong bagong taon? Hihintayin mo rin ba ang pag dating ng bagong langit? O pwede bang samahan ka ngayon? Hiling kong magka buhay'ng gabi kong medyo tahimik Pagmasdan ang mga tala Maaliwalas walang gambala Kapiling ka Sa bisperas ng bagong taon Naaalala mo ba nu'ng gabing Mga kaluluwa nagdiriwang muli Biskotsong ginawa natin Samahan ng kapeng mumurahin Ang oras ay 'di natin kakampi Kaya't ang aking kamay Hawakan mo sa bisperas ng bagong taon Kung nasa'n ka man ngayon Hihintayin kita kahit pa mapunaw ang 'yong pag-ibig Oh, kahit malaming ang panahon Ang natitirang apoy sa'king damdamin ay mainit Ang tulang ito'y sinulat ko para sa'yo Gusto kita sa bisperas ng bagong taon