Iba't ibang anino, pare-parehas ang anyo Sari-saring kuwartong bubukod sa isipan mo Nasimot na ang yago, hanggang kailan ka yuyukdo Mula sa matakip-silim na maskarang ginamit mo? Hmm-mmm-mmm Oh, oh-oh-oh Magdiriwang sa silid Nakapikit, nakakubling magsasayaw Wala ka nang matatanaw Bawat padyak, hatid ay ligaw Lingid sa 'yong mga mata, madilim o maliwanag Balatkayo magkaila, wala namang pinagkaiba Balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka Kapag hindi nahalata, 'suot muli ang maskara ♪ Tumatalukbong sa pekeng anyong Mistulang pagong, ang sarili'y kulong Halong sagot at tanong ang bulong Ng taong puti o itim ang bulong Magsusuot ng mas-, karamihan sa kanila, ha Hamakin ang isa't isa, animo'y anino Magsusuot ng mas-, karamihan sa kanila, ha Hamakin ang isa't isa, animo'y anino niyang Nagdarasal, nangungumpisal Magandang asal, gawaing moral Silang maraming daldal, mga hinalal Oh, mga hangal ♪ Nagbubulag-bulagan sa taimtim na buwan Mga bula-bulaan, nagsama sa isang dula Wala ka nang magagawa Mabubura ang maskara Lingid sa 'yong mga mata, madilim o maliwanag Balatkayo magkaila, wala namang pinagkaiba Balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka Kapag hindi nahalata, 'suot muli ang maskara Lingid sa 'yong mga mata, madilim o maliwanag Balatkayo magkaila, wala namang pinagkaiba Balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka Kapag hindi nahalata, 'suot muli ang maskara