Madilim ang salamin Nagtatago'ng mga bituin Sa likod ng ulap, at 'di ko maamin Nakasimangot ang buwan Sumisinag, maliwanag Tila bakit 'di ko ramdam? 'Di ko maintindihan Sana'y nakikita ng 'yong mata, sinta Kung sa'n sinubukan ko, kung sa'n sinukuan ko ♪ Pundido na ang sikat ng araw Nakakabulag sa paningin Nananatiling takip-silim Naghihintay sa langit Mga hiling, 'di na tanaw Bilang na ba'ng mga bulalakaw? 'Di ko maintindihan Sana'y nakikita ng 'yong mata, sinta Kung sa'n sinubukan ko, kung sa'n sinukuan ko Sana'y naririnig mula sa daigdig Langit ba talaga ang siyang magpapasiya? ♪ Sansinukob, sa'n susuko? Sansinukob, sa'n susuko? Ang bawat apak at bakas Mga tinahak na landas Lumihis ba ang daan O sadyang 'di lang 'tinadhana? Ang bawat apak at bakas (sansinukob) Mga tinahak na landas (sa'n susuko?) Lumihis ba ang daan (sansinukob) O sadyang 'di lang 'tinadhana?