Kay daming beses na naririnig sa 'yo Na 'di mo makita ang angking kagandahan mo Para sa 'kin, wala namang kulang sa 'yo Sobra ka pa sa aking hiling ng puso ko Hinding-hindi magsasawa na sabihin sa 'yo At ipaalala kung gaano ka kaganda Ipagsisigawan ko sa buong mundo Ang taglay na kagandahan mo Kung nakikita mo lang ang nakikita ko Malalaman mo kung gaano ako kasuwerte sa 'yo Huwag na huwag kang makikinig sa iba Ikaw ang pinakamaganda sa aking mga mata Hindi mo kailangan ng kolorete't palamuti sa mukha Simpleng ngiti mo pa lang, puso ko'y nabighani mo na Ipagsisigawan ko sa buong mundo Ang taglay na kagandahan mo Kung nakikita mo lang ang nakikita ko Malalaman mo kung gaano ako kasuwerte sa 'yo Kalma ka lang, maniwala ka sa 'kin Madami mang babae sa mundo, mananatili sa kagandahan mo Ipagsisigawan ko sa buong mundo Ang taglay na kagandahan mo Kung nakikita mo lang ang nakikita ko Malalaman mo kung gaano ako kasuwerte Kasuwerte sa 'yo, oh-oh-oh-oh-oh-oh