Kishore Kumar Hits

Juan Miguel Severo - Ang Kalungkutan Ay Suwail Na Bisita (Pasintabi Kay Jerry Gracio) - Spoken Word şarkı sözleri

Sanatçı: Juan Miguel Severo

albüm: Calypso


Ang Kalungkutan Ay Suwail Na Bisita
Hindi siya magpapasintabi
Hindi siya magpapaalam
Hindi niya itatanong kung may iba kang kasama
Hindi siya tatawag sa telepono
Ni hindi nga kakatok
Hindi niya kailangan
May susi ang kalungkutan sa lahat ng pinto
Kabisado niya ang pasikot-sikot ng iyong bahay
Kabisado niya ang ang lahat ng mga hilig mong puntahan
Pagkatapos ng hapunan
Hindi niya huhugasan ang pinagkainan niyang mga pinggan
Iiwan niya lang sa mesa ang mga tasa ng kape
Pagkatapos ay hihiga siya sa'yong sofa at hindi na tatayo
Pipilitin ka niyang manood ng TV
Magdamamag pero hindi ka patatahimikin
Dadaldal siya sa'yong tabi habang
Sinusubukun mong intindihin ang palabas
Dadaldal siya sa'yong tabi habang binabasa mo ang iyong libro
Babangitin niya ang lahat ng ayaw mo na
Sanang alalahanin lalo pa't pag-usapan
Itatanong niya sa'yo kung bakit ka mag-isa ngayong gabi?
Uusisain niya kung anong nangyari sa lagi mong kausap sa telepono
Kung bakit di ka lumabas kasama ang iyong mga kaibigan
Kapag sinabi niya 'to
Wag kang magkakamali na sabihin sa kanyang nandiyan kasi siya
Iisipin niyang pinapahalagahan mo siya ng husto
Hindi natin yan gusto
Aayain ka niyang lumabas dahil ayos
Lang naman daw sa kanyang sumama sa'yo
Wag kang mahuhulog sa patibong na'to
Ang Kalungkutan Ay Suwail Na Bisita
Ngunit mas malala siyang kasama sa pampublikong lugar
Hindi gusto ng mga gusto mo ang kanyang amoy at wala sayong lalapit
Bukod siguro sa'yong mga kaibigan
Interesado ang mga kaibigan sa kalungkutan
Siya lang ang gusto nilang kausapin
Siya lang ang kanilang kukumustahin
Pagkain ang pansin sa kalungkutan
At uuwi siya sa bahay mong busog habang ikaw o said
Papipiliin ka niya minsan
"Ako o pagkamanhid?"
Pwede mong piliin ang huli pero hindi mo pa rin siya mapapaalis
Minsan din masasanay ka na
Nandiyan pa rin siya sa bahay pero kaya mo nang tumawa
Ang kalungkutan ma'y pwedeng maging mapagbigay
Ilalakad ka niya sa mga gusto mong mahalin
Iuuwi niya sa bahay mo ang ilan
Hahayaan kayong mag isa
Pero babalik siya para kalampagin ang pinto sa'yong silid
Dahil ang gustong mahalin ay hindi mahal
At baka meron pang ibang mahal
O baka hindi talaga to tungkol sa pagmamahal
Kundi sa kanya
Siyang nagpapadala ng mga mensahe sa kanilang tumitingin
May hindi ka tititigan
Siyang nagbubungkal ng mga kahon ng luma niyong mga larawan
Siyang hindi alam kung kailan lalayo
Siyang halos bahagi na ng iyong katawan
Siyang na wag galawin ang iyong bahay
Na wag kausapin ang iyong mga kaibigan
Na wag kang hanapan ng maaaring mahalin
Hinding hindi ka susundin
Ang kalungkutan ay suwail na bisita
Pero minsan, halimbawa isang madaling araw
Matapos niyang magtalo ng matindi
Makikita mo siyang tahimik sa'yong sala
Ipagtitimpla mo siya ng kape
Kakausapain siya nang kay hinahaon
Kikilalanin, pagkatapos ay aalayan ka niya ng awit, o di kaya ng tula
Iikwento kung bakit siya nandirito
Kung bakit ayaw ka niyang patahimikin
At ganito mo siya kakaibiganin
Minsa'y ganito ka rin niya iiwan
Wala muling pasabi
Lilingon ka at walang sasalo sa'yong tingin
Kundi ang bahay na ikaw lang ang laman
Ang kalat na kailangan mo nang sinupin
Ang awit, ang tula, mga supling ng inyong pagniniig
At may pamamaalam pa bang ganito katamis?
Minahal mo siya sa wakas
At kay ligaya mo sa kanyang pag alis

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar