May isang halaman sa tabi ng daan Unti-unting nalalanta sa natitigang na lupa Sa init ng tag-araw, 'di mapansin ang sigaw Nitong munting halaman, sa tag-tuyo'y madiligan ♪ Hm-hm Tulad ng isang taong punit-punit ang damit Walang matutulugan, walang mauuwian Lagalag sa lansangan, humihingi ng limos Tiyan niya'y kakalam-kalam Pagkain niya'y galing sa basurahan ♪ Oh-oh Ulan, ulan, bumuhos ka ulan Ulan, ulan, bumuhos ka ulan Kahit konting patak, siya'y iyong diligan Ulan, ulan, bumuhos ka ulan Kahit konting patak man lang Oh-oh Langit ay nakatitig, wari'y 'di madinig Halaman ay tuyong-tuyo Tao ay sumasamo sa init ng tag-araw 'Di mapapansin ang sigaw nitong munting halaman Sa tag-tuyo'y madiligan ♪ Hm-hm Ulan, ulan bumuhos ka ulan Ulan, ulan, bumuhos ka ulan Kahit konting patak, siya'y iyong diligan Ulan, ulan, bumuhos ka ulan Kahit konting patak man lang ♪ Oh