Aanhin pa ang langit, Kung wala ng araw Aanhin pa ang tubig, Kung wala na ang nauuhaw At kung wala ng dilim, Aanhin pa ba ang ilaw Aanhin pa ang puso, Kung wala ka na Aanhin pa ang lakas, Kung wala ng hirap Aanhin pa ang pag sulong, Kung wala na ang hinaharap At kung wala ng bukas, Aanhin pa ba ang pangarap Aanhin pa ang puso kung wala ka na. O giliw sumpa ko sa iyo, pag ibig kong ito'y Hindi maglalaho. At kung sakali mang ika'y lumisan, Ang buhay kong ito'y wala ng kahulugan. Aanhin pa ang mga mata, Kung mundo'y wala ng ganda Aanhin pa ang luha, Kung wala ng lungkot at saya. At kung wala ng gabi, Aanhin pa ang mga tala Aanhin pa ang puso, kung wala kana O giliw sumpa ko sa iyo, Pag ibig kong ito'y hindi maglalaho At sakali mang ika'y lumisan, Ang buhay kong ito'y wala ng kahulugan.