Kung may tanging hiling, sana 'di nagising Sa umagang kay dilim Sayang ang pinagsamahan, 'di alam kung malilimutan Sugat ay kay lalim Naniniwala pa Na tayo'y liligaya basta Pangako mo, ako'y ilalayo Sa delubyong naranasan nitong pagod na puso Pangako mo, iingatan ako Isusulat panibagong yugto sa ating kuwento Sana 'di mabigo, tuparin ang 'yong pangako Sugat, maghihilom rin Nadinig ba 'king hiling? Bukas, ako'y magigising Sa liwanag ng ating pag-ibig Naniniwala pa Mapagwawagian nating dal'wa basta Pangako mo, ako'y ilalayo Sa delubyong naranasan nitong pagod na puso Pangako mo, iingatan ako Isusulat panibagong yugto sa ating kuwento Pangako mo, ingatan mo ang puso ko Isulat mo, bagong yugto Pag-asa ko, pag-ibig mo