Kishore Kumar Hits

Arvy T - Ganon Pa Rin şarkı sözleri

Sanatçı: Arvy T

albüm: Ganon Pa Rin


Kung mapagod man ako sa 'yo
Hindi pa rin ako lalayo
'Pagkat ikaw ang tanging gusto
Magbago man ang ikot ng mundo
Mawala man ang sigla natin na binuo
Magkulang man ang sukli sa binayad ko
Basta't ikaw ang kasama sa dadaanan ko
Gusto kita
Ayos lang kahit na 'di mo ibalik
Ang pagpapahalaga na binibigay
Basta alam ko lang ay nakakasabik
Kapag ikaw ay nakikita
Ang mga ngiti mo'y may sipa
Parang nalalasing ako kada tawa mong
Saya ang siyang hatid sa 'king diwa
Laging pinagmamasdan ang larawan
Nakakatanggal ng pagod, salamat
Pagtingin sa 'yo'y gabay ko sa lakad
Naging mapa sa pinagdadaanan
May takot ka ba?
Ang puso mo'y nababalot pa ba
Ng pangamba? 'Wag mag-alala
Dahan-dahan nating bubuksan ang tiwalang nagsara
Dahil sa kahapong dumating
Pagkasawing nagdulot ng hapdi
Ngayon, ako'y nandito sa tabi
Katuparan na pag-ibig na hindi mo hiniling
Ako ay pinadala para ikaw ay mapagaling
'Wag nang magtaka kung bakit ba ayos lang
Kahit na wala kang imik
'Di ako nagmamadali
Gusto lang kitang mapangiti
Katanungan man ay gumagala sa isip mo
Maghihintay akong sa sagot mo mauwi
Magbago man ang ikot ng mundo
Mawala man ang sigla natin na binuo
Magkulang man ang sukli sa binayad ko
Basta't ikaw ang kasama sa dadaanan ko
Magbago man ang ikot ng mundo
Mawala man ang sigla natin na binuo
Magkulang man ang sukli sa binayad ko
Basta't ikaw ang kasama sa dadaanan ko
Mukhang ayaw nang tumila patak mula sa mata
Walang ngiti 'yung halik mo sa 'kin kagabi
Tila nagbago ang lasa, 'di na matamis
Kinapos nG panggatong, biglang lumamig
Ayos lang, basta ang mahalaga lang
Ay sa akin pa rin ang uwi mo
'Di bale man na gabihin
Magkayakap naman sa tuwing madilim ang hinahakbangan
Mistulang bituin ka, sinta
'Di man ramdam ang kilig, tingin ko ay 'di nag-iiba
'Di man kasinghalata
Ikaw lang pa rin
Ang mistulang gamugamo sa lampara ko
Bahala na kapusin ang sukli mong dala
Balewala sa 'kin, basta
Mahalin ka nang walang balik
Sa 'kin ka lang, sana, hiling
Gusto ko lang na maging kasama mo sa pagdating
Ng panahon hanggang sa marating din
'Di naging malabo paningin
Sabihin man nila na may mali, nagpapanggap bingi lang
Madaling sabihin pero 'di naman nila alam
Kung ga'no ba kalalim pagtingin, uh
Ikaw ang gumising
Sa damdamin kong nagparamdam
Binago takbo ng laman sa isip ko
Pinalaman kung pa'no labanan ang inip
Sa halip, gumanti pabaliktad
Mas lalong akong ginanahang mahalin ka, sinta
May mali bang pakinggan ang puso, sinta?
Kahit na miminsan, mahalin mo nang hindi lang minsan
Kung mapagod man ako sa 'yo
Hindi pa rin ako lalayo
'Pagkat ikaw ang tanging gusto
Magbago man ang ikot ng mundo
Mawala man ang sigla natin na binuo
Magkulang man ang sukli sa binayad ko
Basta't ikaw ang kasama sa dadaanan ko
Magbago man ang ikot ng mundo
Mawala man ang sigla natin na binuo
Magkulang man ang sukli sa binayad ko
Basta't ikaw ang kasama sa dadaanan ko
Kung mapagod man ako sa 'yo
Hindi pa rin ako lalayo
'Pagkat ikaw ang tanging gusto

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar