Tamang nalasahan ang ugali kinalaban Parang batang naagawan at sumali sa lansangan Upang makipagbakbakan at si Rave ang pangalan Miserable pero sinibukan makipagsabayan, uh Nilamon na ng katamaran (Katamaran) Kahit kumpleto na ang kasangkapan (Kasangkapan) Panahon to para lang na malaman (Laman) Na aabutin ko na yan ng dahan (Dahan) Ako ang iyong lingkod lahat hahabulin ko Sasalubungin ko para kunin yung ginto Kahit na maduling oh lahat kakayurin ko Walang hinto hinto, kahit magmukhang sinto sinto dun sa pinto ay di mo na rin kaya na lunurin to Di to sorry ito'y promissory na kahit konti suporta'y tuloy sa pagkazombie Tapos na sa laundry peke ka naoff-beat aking tira for three ang spit ko'y tirang promdi Ayoko na sana maglirikal baka mabansagan na ko na kriminal Kapag inabot mo saken ay kritikal sa daming halaman ko na diniligan Kaso sawa na rin ako sa gimikan oras na para magaral sa diliman Pabalik balik sa ulam na binilan gusto ko naman kumain ng sinigang Ano bang dapat gawin dahil makalat na men Dami kong tatanggalen para malakad na den ang aking tanim Dami kong sasampalen para mahanap na ren ang aking galeng Nakasa den ang aking talim para deretso sintido ang tutok ng aking baril Aking iiwanan ay tatatak, tagos to sa puso parang heart attack Maglinis ka kung magkakalat dahil sayo lang din yan papatak Bodybag ang mensahe at listahan ko'y madadami dami pa't Derecho sa puso sapak to sa nguso pangbago ng mentalidad Daming kong pangarap na nadagdagan ng talo Dami nang nagrarap pero mas lalong naging ganado Na sumubok at pumulot at makisabay sa alon Balang araw kapag nabalian ay magkakasahod Pumasok na sa isip ko na wag nalang bumangon At nakaramdam ng pagod kaya ako'y nagpalamon Pero sabe ng kahapon ay malayo pa ang dragon Ngayon tapos na angking komatos para bang si baron Bawat nilakaran mo lahat tinapakan ko kahit na pangalan mo Bakit ba ang malas mo, yun ay kasalanan mo Puro lang ganto puro lang ganyan buhat ng bangko puro lang satsat Panay ang dakdak kala mo santo pero walang ambag dapat dyan ratrat, brah Asa asa wala kang pagasa Basa basa baka makachamba Nasa baraha mo'y hari ika'y malakas na? Tandaan marami pa ulit magbabalasa Di na papatagalin, di mo to kayang gawin, talo ka men Laging magingat sa byahe kase yung tao pala na gusto mo sapakin Di mo kilala't masyadong sakim bahala ka din Dahil ang kalaban ko pala dito sa kanta ay yung taong kaharap ko dito sa salamin