Kung ako lang ang papipiliin Kung ibabalik ba ang kamay ng oras O lilipad sa hangin Upang silipin ang aking hinaharap 'Di magdadalawang isip Gusto kong makausap ang sarili, hmm ♪ Pero hanggang kailan ako mahihirapan? Ano kung walang kasiguraduhan? Ah basta, gusto ko lang namang magpalutang-lutang Magpatangay sa banayad na ihip ng hangin ♪ Nakakapagod ang puro pangangamba ♪ Kailangan ko yatang matutong huminga ♪ Simula sa 'king pagkabata Palaging ginigipit ang sarili Nakalimutan kong magpakasaya Pero hanggang kailan ako mahihirapan? Ano kung walang kasiguraduhan? Ah basta, gusto ko lang namang magpalutang-lutang Magpatangay sa banayad na ihip ng hangin Nakakapagod ang puro pangangamba Kailangan ko yatang matutong huminga ♪ Ano naman kung walang kasiguraduhan? Ano naman kung walang kasiguraduhan?
Ano naman? ♪ Ano naman? Ano naman? Ayos lang, ayos lang naman Ayos lang naman Ano naman kung walang kasiguraduhan?