Kishore Kumar Hits

Carlos De Guia - Ano Ba Tayo şarkı sözleri

Sanatçı: Carlos De Guia

albüm: Dagat Luha


Animo'y anino sa 'yo

Sino nga ba talaga 'ko sa 'yo?

Hinihiling na sana'y masanay na lang

Sa parang bato, mistula'y walang bilang
Hindi naman ginusto
Na sa 'yo ay maging gan'to ako
Nahulog na masyado
Pero bakit sa aki'y walang sumalo?
Ano ba sa 'yo
Lahat ng ginagawa ko?
Wala namang nagbabago
Ang tanging nagbago sa atin ay ikaw
Ano ba tayo?
Magiging ikaw pa ba't ako?
Aasa ba sa iyo at magbubulag-bulagan na lamang ako
Sa sakit na dulot mo?

Biglang nagbago ang ihip ng hangin

Naging blangko na'ng pag-uusap natin
Hindi naman ginusto
Na sa 'yo ay maging gan'to ako
Alam ko naman ang halaga ko
Pero bakit pumayag na masaktan mo?

Ano ba sa 'yo
Lahat ng ginagawa ko?
Wala namang nagbabago
Ang tanging nagbago sa atin ay ikaw
Sabihing "Oo"
Sa mga tanong na para sa 'yo
Kahit pa 'di totoo ang nararamdaman
Para lang maibsan ang sakit na dulot mo

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar